KINUMPIRMA ng Palasyo na bibisita si Pangulong Duterte sa Cotobato City matapos ang pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kamakailan.
“Mamaya po ay tutungo po ng Cotabato ang ating Presidente. Makipag-usap po siya dun at talagang ipararating niyang mensahe sa BIFF, na siya ang kanyang katungkulan ay ipapatupad ang batas at hindi pupwede na patuloy na gumagamit ng dahas laban sa kapwa Pilipino,” sabi ni Presidential Spokesperon Harry Roque.
Matatandaang nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga militar at miyembro ng BIFF sa Datu Paglas, Maguindanao noong Sabado.