NAGPALABAS ang Department of Budget and Management (DBM) ng karagdagang P1 bilyon para sa mga lugar na silanta ng Bagyong Odette.
Sinabi ng DBM na aabot na sa P2 bilyon ang naipamahagi sa mga lokal na pamahalaan na apektado ni ‘Odette.’
Nauna nang naglabas ang DBM ng inisyal na P1 bilyon para matulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pagbangon.
Kabilang sa nabigyan ng pondo ang Region IV-B (P84.38 milyon), Region VI (P248.35 milyon), Region VII (P202.66 milyon), Region VIII (P115.43 milyon), Region X (P84.37 milyon) at Region XIII (P264.81 milyon).