NANANATILI bilang debt-free city ang Davao at isa sa pinakamayaman base sa assets at equity niton noong 2023, ayon sa pinakahuling financial report ng Commission on Audit (COA).
Sa isang kalatas, sinabi ng City Budget Office (CBO) na nasa ika-9 na pwesto ang lungsod sa may pinakamalaking assets at equity.
Sa report, tumaas ang assets ng lungsod mula sa P29.7 bilyon noong 2022 sa P32.9 bilyon noong 2023. Habang ang net assets at equity ay umakyat din sa P24.9 bilyon noong 2023 mula sa P21.2 bilyon noong 2022.
“To date, Davao City has also remained debt-free. This is a testament to the city’s financial stability and capability to fund big-ticket projects,” ayon sa CBO.