Daan-daang kilo ng tuna nalambat sa Ilocos Norte

UMABOT sa 216 kilo ng tuna ang nahuli ng mga mangingisda sa pamamagitan ng lambaklad sa Pasuquin, Ilocos Norte kamakailan.

Napag-alaman na inabot ng maghapon ang 10 katao sa paghatak ng mga lambat na hitik sa mga isda.

Maliban sa tuna, nakahuli rin ang mangingisdang miyembro ng Dilavo Fishermen Association ng mga blue marlin.

Fishing season ang panahon ng tag-init kaya asahan na mas marami pa ang malalambat hanggang Mayo, ayon sa mga otoridad.