SUNDO sana ni Chief PNP Dionardo Carlos mula sa mamahaling isla ng Balesin ang chopper na nag-crash nitong Lunes sa Quezon, na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat ng dalawang iba pa.
Paliwanag ni Carlos, galing siya ng PMA Alumni Homecoming sa Baguio City at umuwi sa Quezon City Sabado ng hapon, at kinabukasan ay nagpunta sa Balesin kasama ang pamilya para sa private time.
Uuwi anya siya ng Lunes ng umaga ngunit hindi available ang private transport na maghahatid sa kanya sa Quezon City, kaya nag-request na lang umano siya PNP na sunduin siya.
“The following day, Sunday afternoon I traveled to Balesin island for private time and scheduled to return Monday morning via private transport. However, I was informed that due to unforeseen circumstances, said private transport would only be available in the evening of Monday,” paliwanag ni Carlos.
“This prompted me to request for an admin flight to transfer/move me back to Camp Crame Monday morning so I can perform my duties. The flight directive was allowed and issued following PNP rules and regulations.
“I regret that the accident happened and never wish harm to my personnel nor losses to the organization. Rest assured that a thorough investigation is being undertaken,” dagdag pa ng opisyal.