BINABANTAYAN ngayon ng Philippine Coast Guard ang isang cargo vessel na sumadsad sa pampang sa bayan ng Minglanilla sa Cebu dulot ng malakas ng paghampas ng alon at hangin dala ng bagyong Kristine.
Ayon sa PCG, binabantayan nila nga ang barkong LCT Golden Bella galing ng Tawi-Tawi, sa posibleng pagkasira nito na maaring magdulot ng oil spill sa dagat.
Ayon kay Ensign Abel Lomboy, spokesperson of PCG-7, galing ng Tawi-Tawi ang barko at napadpad sa Minglanilla dahil sa malakas na alon at hangin nitong Miyerkules.
Iniinspekyon na rin ng mga divers ang barko kung may nasira rito na maaring magdulot ng oil spill, ayon kay Lomboy.