INUGA ng magnitude 4.4 na lindol ang Camarines Norte ala-1:19 ng hapon ngayong Biyernes, Oktubre 21.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol may isang kilometrong lalim sa 67-kilometro hilaga ng Tinaga Island, Vinzons, Camarines Norte.
Intensity II ang naitala sa bayan ng Mercedes sa Camarines Norte at Polillo, Quezon, samantalang Intensity I sa bayan ng Daet, Camarines Norte; Iriga City, Camarines Sur at Guinayangan, Quezon.