INUGA ng magnitude 5.1 na lindol ang Cagayan alas-8:02 ng gabi nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 20 kilometro ang lindol at ang lokasyon ay naitala sa silangang bahagi ng Camiguin Island.
Naitala ang Intensity III sa Aparri at Gonzaga, Cagayan.
Intensity II naman sa Peñablanca, Iguig at Tuguegarao City, Cagayan habang Intensity I -Claveria, Cagayan.