ITINAAS sa Alert Level 1 ang status ng bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) bunsod ng ipinakikita nitong “state of low-level unrest”.
Sa tala ng Bulusan Volcano Network, nagkaroon ng 126 mahihina at mabababaw na volcanic earthquake simula nitong Martes, ayon sa 3p.m. bulletin ng Phivolcs kahapon.
Sa ilalim ng Alert 1, binabawalan ang publiko na pumasok sa 4-kilometer-radius permanent danger zone. Binabalaan din ang mga residente na maging mapagbantay sa 2-kilometer extended danger zone dahil sa posibilidad na tumaas pa ang aktibidad ng bulkan na maaaring mauwi sa delikadong phreatic eruption.