NIYANIG ng 5.2 magnitude na lindol ang Calatagan, Batangas, Biyernes ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang pagyanig alas 2:14 ng madaling araw at naitala ang epicenter nito 19 kilometro timog-kanluran ng Calatagan.
Ang lindol ay tectonic ang origin at may lalim na 131 kilometro.
Walang pagkasira at mga aftershocks na inaasahan, ayon pa sa Phivolcs.