MALAKI ang naging tulong ng Sierra Madre dahil napahina nito kahit papaano ang bagyong Karding nang tumama ito sa Luzon, ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Administrator Vicente Malano.
“Kung titingnan nag super typhoon ang bagyo pero nang papalapit siya, nakita na natin na nagwi-weaken siya habang tumatama sa Sierra madre, malaking tulong po ang Sierra Madre,” sabi ni Malano.
Idinagdag ni Malano na noong 1980s, may pagkakataong nahati ang bagyo matapos dumaan sa Sierra Madre.
“Naging dalawa ang mata, nagtataka nga rin kami noon, tapos meron din na may bagyo sa east, sa Isabela area, tumalon sa kabila, so malaking tulong,” aniya.
Ito’y sa harap naman ng mga panawagan na isalba ang Sierra Madre sa pagkakalbo sa bunsod ng illegal logging.