INIT NA INIT ka na ba at gustong magpalamig?
Aba’y pwede nang mag-Baguio!
Basta galing ka lang sa lugar kung saan deklarado ang General Community Quarantine or Modified General Community Quarantine, pwede ka nang makapasok sa Baguio City dahil muling pinayagan ng lokal na pamahalaan ang pagbubukas ng lungsod sa mga turista simula ngayong weekend.
Ayon kay Tourism Officer Alloysius Mapalo, kailangan sumunod lang sa public health standard ng lungsod para makapagliwaliw.
Bago ma-admit, kailangang magrehistro muna sa visita.baguio.gov.ph para makakuha ng get QR-Coded Tourist Pass 24 hours bago ang pagtungo sa lungsod.
Kailangan din may reservation na bago pa ang biyahe patungong Baguio.
May 3,000 turista and iaadmit ng Baguio kada araw.
Kapag nakarating sa border chekcpoint, kailangang magpakita lang QR-Coded Tourist Pass at COVID-19 test result na nagsasabi na ikaw ay negatibo rito.