Lucio Tan tinamaan ng Covid-19

NAGPAPAGALING na sa ospital ang business tycoon na si Lucio Tan makaraang magpositibo sa Covid-19, ayon sa kanyang anak.

Sa Instagram, ipinost ni Vivienne Tan ang larawan niya at ng kanyang mga magulang.

Aniya, nasa “stable condition, responding well, and recovering” na ang kanyang ama.

Humiling naman siya sa publiko ng “some privacy at this time” bago nakiusap na “pray for his speedy recovery.”

Ayon sa Forbes, si Tan ang ikatlong pinakamayamang Pilipino at may estimated net worth na $3.3 bilyon.

Siya ang chairman ng LT Group, na may hawak ng Philip Morris-Fortune Tobacco, Asia Brewery, Tanduay Distillers at Eton Properties.