Baby tumilapon sa tricycle, ‘sinalo ng guardian angel’

MALIBAN sa galos sa mukha at paa, wala nang iba pang pinsalang tinamo ang dalawang-buwang sanggol na tumilapon mula sa tricycle na sinalpok ng van sa Santiago, Ilocos Sur.


Dahil sa naganap na “himala,” marami ang naniniwala na sinagip ang sanggol sa tiyak na kapahamakan ng kanyang guardian angel.


Ayon sa ulat, sakay ng tricycle si Jane Funtanilla at ang kanyang sanggol nang mabangga ang sasakyan ng kasunod na van sa Brgy. Bigbiga


Galing umano sa center lane ng national highway ang tricycle at gigilid na nang matumbok ng van.


Sa lakas ng impact, nabitawan ni Funtanilla ang kanyang baby na tumalsik sa labas ng tricycle at bumagsak sa kalsada.


Ligtas naman ang sanggol maliban sa nga galos. Wala namang tinamong sugat ang ina.