6 patay sa banggaan ng bus, SUV sa Laguna

ANIM katao ang nasawi habang 57 iba pa ang nasugatan matapos magbanggaan ang isang pampasaherong bus at sports utility vehicle (SUV) sa Majayjay, Laguna, Linggo ng hapon.

Ayon sa report ng Majayjay Municipal Police Station, naganap ang insidente sa barangay Bakia alas 3:25 ng hapon habang tinatahak ng ng APR Transportation bus galing sa Lucban, Quezon ang pakurbadang pababang kalsada nang masalpok nito ang isang Hyundai SUV na nasa kabilang direksyon. Una munang bumangga ang bus sa isang puno bago nito tamaan ang SUV.

Sa anim na nasawi, isa rito ay batang lalaki na may eda na 10 hanggang 15.

Dinala naman sa iba’t ibang pagamutan ang mga nasugatang pasahero.

Inaalam pa ng pulisya ang sanhi ng banggaan.