ITINUTURING man na kaaway ng estado, binigyan ng disenteng libing ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Las Navas, Northern Samar ang anim na miyembro ng New People’s Army na napatay kamakailan lang sa enkwentro.
Ito ay matapos walang umangkin na mga kamag-anak sa bangkay ng anim na rebelde, dalawa rito ay mga babae.
Inilibing ang mga ito sa Las Navas public cemetery nitong Sabado, ayon kay 2nd Lt. Joyce Ann Bayron, spokesperson ng Philippine Army 20th Infantry Battalion.
Bago ito, binigyan muna ni Las Navas Mayor Arlito Tan ng lamay ang mga nasawi sa Las Navas Coliseum, ngunit walang kamag-anak o mga kaibigan ang nagtungo rito.
Napatay ang anim matapos ang enkwentro noong Nobyembre 23.