NAKAPAGTALA na ng 345 aftershocks matapos maramdaman ang magnitude 6.0 na lindol sa Davao de Oro Miyerkules ng gabi.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Officer-In-Charge Dr. Teresito Bacolcol na asahan na ang mga aftershocks sa susunod pang mga linggo.
“Kanina nakapagtala kami ng 345 aftershocks and iyong magnitude range would be from magnitude 1.5 to 3.6 o iyong pinakamataas na aftershock na naramdaman natin is 3.6. And isa lang iyong felt doon sa mga aftershocks na na-record namin and we would expect that these aftershocks will continue for several days up to probably several weeks,” sabi ni Bacolcol.
Nagdulot ng mga pinsala ang lindol sa Davao de Oro.
Aniya, naramdaman ang lindol sa hilagang bahagi ng Mindanao.