Pacquiao sa mga Marites: Paparusahan kayo ng Panginoon

TINAPOS na ni boxing champ Manny Pacquiao ang usap-usapang hiwalay na sila ng asawang si Jinkee.

Sa isang TikTok video, ipinakita ni Manny na magkasama silang nagkakapeng mag-asawa.

“Nandito kami ngayon sa Starbucks sa GenSan sa SM kasama ang aking soulmate, si Jinkee.”

Sey ng boxing champ sa mga gumagawa ng chismis, “Mga chismis diyan, naku, paparusahan kayo ng ating Panginoon dahil sa mga ginagawa ninyo, alalahanin n’yong mabuti.”