15 sugatan sa pagsabog sa Korean resto sa Oriental Mindoro

LABINLIMA katao ang nasugatan matapos ang pagsabog sa loob ng isang Korean restauran sa Calapan City, Orinetal Mindoro nitong Huwebes.

Sinasabing dulot ng sumingaw na gas ang dahilan ng pagsabog na sumira rin sa may 12 sasakyan na nakaparada malapit sa Mr. Won’s Samgyeopsal Korean Restauran na nasa Xentro Mall sa barangay Lumangbayan, Calapan City.

Apat sa 15 na nasugtan ay mga staff ng restaurant.

Tiniyak naman ng pulisya na iimbestigahan nang mabuti ang insidente habang patuloy ang koordinasyon nito sa Bureau of Fire and Protection (BFP) at Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Office.