HINATULAN ng Taguig Regional Trial Court ng habambuhay na pagkabilanggo ang 10 sangkot sa pambobomba sa Davao noong Setyembre 2016.
Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, iniulat ni Executive Secretary Salvador Medialdea na kabilang sa mga napatunayang guilty sa kasong kidnapping, serious illegal detention at multiple murder ay si Romato Maute at Dr. Russell Salic.
“The court imposed a penalty of life imprisonment without any benefit of parole,” sabi ni Medialdea.
Pinuri naman ni Duterte ang mga security agencies sa pagkakahatol sa mga responsable sa insidente na pumatay sa 14 katao at ikinasugat ng mahigit sa 70 iba pa noong Setyembre 13, 2016 sa night market sa Davao City.