100 empleyado ng OCD nadale ng COVID

NASA 116 empleyado ng Office of Civil Defense ang nagpositibo sa coronavirus disease nitong Huwebes dahilan para pansamantalang isara ang central office nito sa Camp Aguinaldo.

Ayon sa NDRRMC, ang 116 na OCD workers ay 30.5 porsiyento ng kabuuang 380 workforce ng tanggapan.

Eighty percent ng mga nagpositibo ay pawang mga asymptomatic at ngayon ay inirekomendang ilagay sa mga quarantine facility.

Dahil dito, pansamantalang isasala ang OCD central office hanggang Agosto 30 para bigyang-daan ang disinfection habang mananatiling bukas ang operations center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ang OCD ay ang operational arm ng NDRRMC na nasa ilalim naman ng Department of National Defense.