DAHIL active na ang mga job opportunities abroad, marami na ring mga aplikante – first timer man or ex-abroad, ang nakikipagsapalaran na naman sa pag-aaplay sa mga trabaho sa ibang bansa.
Hindi biro ang mag-apply abroad at nai-share ko na rin noong nakaaraan ang mga bagay na dapat mo malaman tungkol sa isang recruitment agency.
Read here: https://pinoypubliko.com/life/anong-dapat-mong-malaman-sa-isang-recruitment-agency/
Narito pa ang mga dapat mong malaman tungkol sa dapat na maging trato sa iyo ng isang lisensyadong recruitment agency:
1. Sumusunod sa health protocol
Ang mga ahensyang ito ay nararapat na kinukuha ang inyong body temperature, at hinahanap rin ang inyong COVID 19 vaccine card. Sinisigurado rin ng ahensya na safe kayo sapagkat lahat ng kanilang empleyado ay fully vaccinated.
2. Malinis na opisina
Kailangan maayos, masinop at malinis ang opisina ng isang ahensya, na magiging kumportable ang aplikante sa kanyang mapupuwestuhan habang naghihintay. Dapat malinis din ang CR, prinapraktis ang social distancing at malamig ang aircon.
3. Propesyunal ang mga empleyado
Mula sa mga guwardiya hanggang sa mga managers – ang mga empleyado ay dapat tinatrato ang kanilang mga aplikante nang maayos at marespeto. Hanggat marunong sumunod sa patakaran ang isang aplikante, maayos ang mga dokumento, at presentable (syempre basahin mo ang article na ito by clicking this link – https://pinoypubliko.com/life/5-bagay-na-di-dapat-gawin-kung-mag-aaplay-ng-trabaho-sa-abroad/), ang mga tauhan ng isang ahensya ay propesyunal din dapat ang trato sa kanila. Walang pabor-pabor at nararapat na susundin ang mga requirements ng employer at ng immigration policy ng pupuntahang bansa.
4. Nag-iisyu ng official receipt
Kung maniningil ng placement fee or processing fees, nararapat lang na mabigyan ka ng official receipt or OR pag ikaw ay nagbigay ng pera. At dapat ang bayaran ay gagawin sa opisina. hindi sa ibang lugar gaya ng mall o fastfood.
5. Malinaw ang paliwanag tungkol sa job offer
Magpapaliwanag ng job offer at tutukan ang iyong pagpra-process ng pag-alis. – lahat ng ito ay dapat ginagawa sa loob ng kanilang opisina. Ipamedical sa DOH-accredited clinic. Bibigyan ng Pre-Departure Orientation Seminar, at kailangan ipaliwanag ang mga travel documents na hawak.
6. Nakamonitor sa iyo
Dapat nakamonitor ang ahensiya sa progress ng isang worker pag nakaalis na ito. Nararapat lang na nirereport ito sa Department of Migrant Workers. Obligasyon ng mga ahensya na ireport ito sa nararapat ng ahensya.
Nawa ito ay makatulong sa mga nag-apply ng trabaho abroad. Sa uulitin!
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]