HINDI maiiwasan na may mga bagay na bigla na lang magti-trigger sa atin para magalit. Dumarating ‘yan sa ating buhay, personal man o sa trabaho.
At dahil nagagalit ka either sa isang tao, pangyayari or sitwasyon, nagkakaroon ng pagkakataon na ma-frustrate tayo that leads to disappointment. At yung disappointment naman ang siyang nakakaapekto sa ating performance during the day.
Sa isang trabahador, nasa local man na sektor or abroad, maaring mangyari sa atin ito. Kaya narito ang ilang tips para makatulong sa atin para makanta ang hit na song ni Gloria Gaynor na “I will survive”:
1. Galit ka, acknowledge that.
Huwag mong pilitin na i-set aside ang galit mo. Kung galit ka, galit ka. Kailangan na tanggapin mo na kahit ayaw mong maramdaman ito, kailangan kilalanin mo. Tanggapin mo na ang emosyon na ito ang naghahari sa iyo ngayon.
2. Matindi pa rin ang emosyon, tumigil sa ginagawa mo
Kung nararamdama mo pa rin ang bumubugsong emosyon, tumigil ka muna sa kung ano ang ginagawa mo kasalukuyan.
Excuse yourself kung ikaw ay nasa meeting at gumawa ng paraan na kontrolin ang galit na nararamdaman mo. Mas maiging gawin ito kaysa may magawa ka na pagsisisihan mo sa huli, lalo na kung hindi mo kayang i-handle ang consequences.
Dissapointments and frustrations will come, lalo na kung ikaw ay naiipit sa isang sitwasyon na ikinagagalit mo. To manage such, huwang mong ipilit na madaliin ito.
Sabi nga sa Bibliya, there is a time for everything. Itigil mo muna ang iyong mga ginagawa, take a deep breath, at mag-medidate. Maaari rin na habang ikaw ay nasa trabaho at nangyari ito, step away from your desk at do something like magtimpla ng kape and enjoy sipping it. Ginagawa ko to and it works for me. May mga bagay kayo na ginagawa na kakapagrelax sa inyo so that applies too.
3. Talk to a person you can trust.
Pwedeng asawa mo, isa sa mga kapatid mo, or a trusted friend. Sabihin mo lang na kailangan mo lang ng may makikinig sa iyo to vent out your frustrations sa personal na buhay at trabaho na maaring nahihirapan ka na mag-transition.
Let me quote a Bible verse before ending this post, lalo na kung sakaling match na match ang sitwasyon mo ngayon “In your anger do not sin; Do not let the sun go down while you are still angry, and do not give the devil a foothold – Ephesians 4:26-27
Pero need ko rin idagdag ito – Pag hindi kayang i-solve ngayong araw, pwede mo itong itulog, at bukas tanungin mo pa rin ang sarili mo kung may magagawa ka sa galit mo para mawala.
Until our next column!
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]