MAY bagong penalty condonation program na inilabas ang Social Security System para sa mga miyembro na may ng past-due loans.
Hinimok ni SSS President at Chief Executive Officer Michael Regino ang mga miyembro ng SSS na may mga short-term loans na samantalahin ang bagong programa na Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty.
Kwalipikado rito ang mga may outstading Salary Loans kabilang ang Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Calamity, Emergency Loan, at Restructured Loan.
“We continuously offer loan penalty condonation programs to help our members settle their loan balances without penalties and regain their good standing with the SSS,” pahayag ni Regino.
Sa ilalim ng porgrama, pagsasamahin sa isang consolidated loan ang principal at interest na past-due short-term member loans ng isang miyembro habang ang lahat ng unpaid penalties nito ay hindi na pababayaran sa sandaling mabayaran na ang buong consolidated na utang.
Ang kailangan lang mga mga requirements ay ang mga sumusunod:
* have a past-due short-term member loan at the time of their application;
* have not been granted any final benefit such as permanent total disability or retirement;
* have not been disqualified due to fraud committed against the SSS; and
* have an active My.SSS account.
Maaring bayaran ang consolidated loan ng isang bagsakan o pwede rin naman ng installment.