DEAR Atty. Stella,
Magpapa-advice po sana ako.
Gusto kong gawing attorney-in-fact ang kapatid ko para mabenta n’ya ang lupang pag-aari ko sa Nueva Ecija.
Kasalukuyan po akong nasa America ngayon dito sa Minnesotta. Ang aking lupa sa probinsya ay nabili ko noong ako ay nagtatrabaho pa lamang sa Manila.
Romy
Dear Romy,
Importante sa pagbebenta ng lupa ay may consent o pahintulot ang may-ari ng real property. Ngunit sa mga pagkakataon na wala sa Pilipinas ang nagmamay-ari ng lupa at the time the sale will take place, maaari siyang magtalaga ng kanyang “Attorney-in-fact” sa pamamagitan ng pag-execute ng “Special Power of Attorney” o mas kilala sa tawag na “SPA”.
Nakasaad sa dokumentong ito na ang principal (ang may pahintulot upang ibenta ang kanyang pagmamay-aring lupa) ay may itinatalagang “attorney-in-fact” named in the SPA upang magkaroon ng awtoridad na ibenta on behalf of the owner ang real property subject of the sale.
As a general rule, valid ang SPA kahit na hindi ito notarized o dumaan sa kamay ng isang Notary Public. Maliban na lamang kung ang nasabing dokumento ay isinulat at pinirmahan ng principal sa ibang bansa.
Marapat lamang na tuwing may ipapadala o dadalhin na dokumento sa Pilipinas mula sa foreign country ay mapatotohanan muna ito through certification and authentication.
Para sa mga bansa o estado na party to the Apostille Convention, instead of the Authentication Certificate o ang tinatawag na “red ribbon” as proof of authenticaltion, the documents now undergo Apostillization as authentication.
Sapagkat ikaw Romy ay nasa USA na signatory ng Apostille Convention, I advice na ikaw ay magpunta sa Philippine embassy o consulate diyan sa Minessota kung saan iyong gagawin at pipirmahan and naturang SPA in favor of your brother. This then will be Apostilled and sent to the Philippines as a valid document giving authority to your brother to act on your behalf in selling your real property in Nueva Ecija.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]