New Year, new plans: Ready ka na ba sa 2023?

NGAYONG ang huling Huwebes ng taon at abala ang karamihan sa pag-iisip ng kanilang magiging handa sa media noche. Marami rin ang ngayon ay naghahabol makabyahe papauwi sa kani-kanilang probinsya para sa isa na namang long weekend.

Siguro masasabi kong taon-taon na natin itong ginagawa, ang paghahabi ng ating “New Year’s Resolution”. Pero kung paano magiging legitimate at solid itong paninindigan ay nasa atin pa rin ito.

Heto muli ang ating listahan paano haharapin ang bagong taon nang hindi lang dahil nakikisabay tayo sa uso:

1. Maging realistic ang goal

Ipon goals man yan o balik-alindog, travel or make-over ba ang gusto mong mangyari sa 2023, dapat naayon ‘yan sa lifestyle mo.

Kung pag-iipon ang ultimate goal mo, dapat mag-adjust ka ng lifestyle. Pagtitipid is the key!

Kung balik-alindog naman, dapat simulan mo sa isang annual executive check up para na rin malaman mo kung ano ang dapat mong aalahanin sa kalusugan mo. In short, dapat kaya mong ma-achieve ito.

2. Plan to upgrade your skills

Hanap ka ng mga checklist ng mga soft skills na dapat mong baguhin – isama mo na ito sa iyong “makeover” goals.

3. Wardrobe upgrade

Upgrade mo na wardrobe para sa paghahanda mo ng application abroad, or pang-awra lang.

Naisulat ko na last time na dapat may ready kang pananamit para sa pag-apply.
1 set of business attire
a pair of black shoes
and black bag for ladies

1 pair of trouser pants
blazer
polo (long or short sleeve)
at balat na sapatos din para sa kalalakihan

4. Upgrade din natin ang ating mental state

Puro ka na lang ba basa ng mga meme or laging nanonood ng mga vlogs na walang kakwenta-kwenta ang content para ma-entertain lang?

Isama mo na sa schedule ng watch habit mo ang mga documentaries at mga tips na makakatulong sa iyong skills at pag-iisip. Maging updated rin sa mga current events – hindi yung puro comment ng mga kaibigan mo na tila mas magaling pa sa mga journalists at mga experts.

Hoping na makakuha ka man lang ng maitutulong sa iyong goals. Nawa’y maging maayos ang pagsalubong nyo sa 2023. Hanggang sa muli at maraming salamat sa pagtangkilik!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]