Mga dapat ihanda tuwing may malakas na bagyo, according sa isang nanay

TUWING may sakuna, alam na natin na ang pinakanag-aalala ay ang ina ng tahanan. Maliban sa ang ama ay laging nasa trabaho, kadalasan ang naiiwan sa bahay ang mga nanay upang mag-ayos at maglinis ng bahay pagkatapos ng sakuna.

Ngayon, eto ang masasabi kong basic tips upang paghandaan ang ganitong sitwasyon habang ang ama ng tahanan ay nasa trabaho pa:

1. Planuhin ang kakainin 

Palagay mo ba ay babahain kayo? Mag-imbak na ng mga pagkain na hindi na kailangan ng matagalang preparasyon at lutuan gaya ng cup noodles, biscuit, tinapay at de latang pagkain (yung easy to open can) at maiinom. 

Kaya dapat mamili na bago pa ang bagyo (pwera ang panic buying, ha?!) 

2. I-charge ang mga batteries ng phone, smartwatch, powerbanks, flashlight at transistor radio – essentials mga ito pag nawalan kayo ng kuryente. 

3. Mag-load na ng inyong prepaid smartphones – para may pantawag sa pahanon ng emergency. 

4. Isilong na o planuhing itaas na ang mga gamit na sa tingin mo ay maapektuhan ng baha.

Kkung sa palagay mo ay malaki ang tsansa na tataas ang baha at maaapektuhan ang bahay ninyo, mabuting gawin na ito habang mahina pa ang ulan. Di na baleng mapagod sa muling pagliligpit ng mga gamit. Magpatulong sa mga kasama sa bahay, sa inyong mga anak na malalaki na.

5. Bumili ng pinakamalaking plastic storage na pwedeng paglagyan ng mga damit, kumot, pagkain, mahahalagang papeles at mga bagay na kailangang protektahan (mga alahas, or mahahalagang bagay) kung sa tantya mo ay kailangan ninyong lumikas at pumunta sa evacuation center. Bumili na ng first aid kit at karagdagang face mask kung ikaw ay lilikas papuntang evacuation center. 

Kung may naiisip pa kayo na ibang bagay na dapat paghandaan ay maari naman ninyong dagdagan ang listahang ito. Ang importante ay ang kaligtasan natin sa sakuna. Huwag tayo laging mag-aassume na hindi mangyayari ito. ‘Ikanga nila, always think of the worst case scenario at ano ang pwede mong gawin, para maging handa. 

Sa susunod muli!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]