Gustong magtrabaho sa abroad? Mga dapat paghandaan sa aplikasyon (Part 1)

BUKOD sa mga importanteng dokumento o papeles, may iba pang dapat paghandaan ang isang nag-a-aplay para makapagtrabaho sa abroad. Ito ay ang kanilang kalusugan.

Karamihan ng mga nag-aplay abroad, kapag sila ay nag-undergo na ng kanilang medical exam pag nakapirma na ng tinatawag na “conditional offer” ay nagugulat na lamang kapag nakuha na nila ang resulta ng kanilang medical exam.

Marami ang nagtataka kung papaano sila nagkaroon ng ganitong sakit. Ngunit kailangan tingnan pa rin ang mga dahilan bakit nga ba sila nagkakaroon nito:

Kaya heto ang maibibigay ko sa inyong tip:

Habang may pera, ikaw ay magpa-check ng iyong katawan sa isang reputable medical clinic.

Basic medical exam gaya ng:

Baga – Kailangan na ikaw ay sumailalim sa x-ray at ipa-interpret ang resulta nito.

Dugo – Dito malalaman kung may nakakahawa ka bang sakit or, mababa ang iyong mga platelets.

Ano ba ang mga sakit sa baga na hindi pumapasa sa medical exam? May mga dahilan na ang mga ito ay kadalasang nakikitang sakit ng isang Pinoy kapag sila ay nagpapamedical exam, gaya ng tuberculosis, calcific scar or peklat sa baga.

Ang ganitong uri ng mga ay kadalasan ay hindi nakakapasok sa Middle East, Canada at United Kingdom. Ang Calcific Scar ay isang medical na condition kung saan ay nagkaroon ang isang tao ng severe lung infection at nag-iwan ito ng “peklat”.

Sakit sa dugo – ang mga sakit na ito ay kadalasang nakikita sa medical examination gaya ng Hepatitis (A, B, C at D) at ito ay kadalasang resulta ng rejection sa Middle East.

Uncontrolled Diabetes / Mababa ang platelets – Ang mga ito naman ay nagagawan ng paraan basta susundin ang reseta ng duktor.

Mataas ang Blood Pressure at uncontrolled – Ito naman ay yung sinasabing sa konting stress o di kaya ay sa biglang pagbabago ng klima ay umaatake ito sa isang tao. Masasabing “controlled” ito kung mayroon maintenance na iniinom.

HIV – may mga trabaho na hindi maaring pasukan ng isang tao na may HIV. Ito ay may mga kinalaman sa mga trabaho sa mga food and beverages kadalasan. Ngunit may mga employers naman na tumatanggap ng medical condition na ganito as long as healthy ang isang carrier.

Marami pang sakit na nagdudulot rin ng pagkakabagsak ng medical exam ng isang aplikante para sa trabaho abroad. Abangan ninyo ito sa part 2!

Hanggang sa Muli!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]