Ex-PSG chief Durante initurong utak sa pagpatay sa model

PINANGALANAN ng Special Investigation Task Group na nag-iimbestiga sa pagpatay sa Davao model at negosyante na si Yvonne Chua Plaza, si dating Presidential Security Group (PSG) chief B/Gen. Jesus Durante bilang utak sa krimen.

Base sa link analysis na inalabas, inatasan umano ni Durante si deputy brigade commander Michael Licyayo para patayin si Plaza.

Inatasan naman umano ni Licyayo ang anim na subordinate na tiktikan si Plaza at patayin ito.

Sinunog pa umano ng mga suspek ang mga personal na pag-aari ng biktima kabilang ang
bag, cellphone, ID, at credit card na tinangay ng salarin matapos ang pamamaril.

Ayon sa imbestigasyon, may relasyon sina Durante at Plaza.

Nasa kustodiya na ng Philippine Army si Durante.

Nauna nang itinanggi nito ang krimen.