Chekeng pambayad-utang ‘wag hayaang tumalbog

DEAR Atty. Stella,

Sinisingil po ako ng wholesale dealer ko. Pero sa totoo lang, sa katapusan pa ako magkakaroon ng pondo sa bangko. Pwede ko po ba siyang bayaran gamit ang cheke?

Eleanor ng Makati


Klaro sa Batas Pambansa Bilang 22 o BP22 na ang sinumang magbayad gamit ang cheke na alam niya na walang sapat na pondo ang account nito sa bangko upang mabayaran ang halaga ng nasabing cheke ay isang paglabag sa batas.

Maliban na lamang kung sa loob ng limang araw mula nang ikaw ay makatanggap ng “notice of dishonor” ay binayaran mo ang halaga ng cheke sa taong may hawak nito.

O kaya naman, nakipagkasundo ka sa drawee ng nasabing cheke ukol sa pagbabayad ng full amount nito. Nakasaad sa batas na maaaring patunay o presumption na alam nga ng taong nagbayad na wala o hindi sapat ang laman ng kanyang account kung within 90 days mula nang ibinayad ang cheke ay iprinisenta ito sa bangko kung saan ay hindi ito tinanggap sa kadahilanan ng insufficiency of funds.

Pakatandaan na kailangang patunayan na there was a check issued which was subsequently dishonored. Kinakailangan ding mapatunayan na mayroong natanggap na notice of dishonor ang nag-issue ng cheke. Ang notice of dishonor ay dapat laging in writing.

That being said, Eleanor, sapagkat alam mong walang laman ang iyong bank account until the end of the month, marapat lamang na ikaw ay hindi mag-isyu ng cheke sa iyong wholesale dealer.

Maaari mo naman siyang kausapin and negotiate na imbes na cheke, ikaw ay gagawa na lamang muna ng promissory note stating na magbabayad ka sa kanya sa katapusan dahil sa araw na iyon ka pa lamang magkakaroon ng pondo sa bangko.

Atty. Stella


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]