MARAMING aplikante sa ngayon sa tuwing nag-a-apply, despite may mga job descriptions na sinusunod ang mga recruiters, ipipilit pa rin nila ang kanilang “skills and capabilities” at yung salitang “willing to be trained, willing to learn”.
Usually getting a job is not a game na susubukan mo, tapos ‘pag ayaw mo na, titigil ka na.
Alam natin na meron ka nang skills, ngunit na-check mo ba kung match ito sa mga sumusunod:
1. Education
2. Years of experience
3. Industry na kailangan kung saan ka may experience
4. Soft-skills (communication, personality, confidence level)
5. Hard-skills (computer, marketing, technical, presentation skills, at iba pa na nakukuha sa training)
Sabihin na rin natin na mayroon ka ng mga ito, pero tatandaan mo gaya ng mga sinasabi ko sa mga sinulat ko, ang inyong amo sa kumpanyang pinaglilingkuran mo lamang ang magsasabi kung ikaw nga ay nararapat bigyan ng trabaho o hindi.
Parang sa eskwelahan o kolehiyo man, ang mga guro at propesor lamang ang makakapagsabi kung ikaw ay may natutunan sa mga pinag-aralan mo. Kaya nga di ba, bago ka magtapos ng iyong kurso, ikaw ay papasok sa ”On-the-job” training or OJT at may mga grades na ibinibigay sa iyo na iyong isusumite sa inyong school.
Ito na rin marahil ang dapat na matutunan ng mga bagong graduates at iba pa na naghahanap ng trabaho. Syempre, importante na mataas or tama lang ang inyong confidence level, ngunit kailangan matutunan mo rin na tumanggap ng “positive feedback” tungkol sa dapat i-improve mo sa iyong sarili para maging mas effective sa trabaho.
Kaya nga, papaano mo tatanggapin ang rejection during job interview:
1. Maging “Open Minded”
Malamang may mga nakikita ang interviewer na hindi mo alam. Maari mo itong itanong sa kanila upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman ano ang dapat mong i-improve.
2. Learn new skills
Huwag titigil na mag-aral ng mga bagong skills kahit may experience ka na – maraming free courses sa LinkedIn at kung ikaw ay skilled worker at high school graduate, mayroon Technical Educations Skills And Development Authority or TESDA na nagbibigay ng mga libreng kurso para ma-enhance pa ang iyong kaalaman.
3. Personality Development
Manood ng mga relevant tungkol sa pag-gain ng iyong confidence level, speech, at proper manners.
4. Huwag maging “assumptionista”
Kapag ikaw ay nag-apply ng trabaho, dapat ready ka sa mga itatanong sa iyo tungkol sa iyong trabaho. Kumbaga ang pag-aaplay ng trabaho para kang isang dispatsadora or salesman – sabihin mo ang iyong soft skills at hard skills. Maging ready ka rin sa mga situational questions ukol sa mga problem or situation ukol sa pagha-handle mo ng trabaho.
Ayan, sana makatulong ito sa inyo lalo na sa mga naghahanap ng trabaho. Until next column!
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]