KARAMIHAN sa atin ay nakabalik na sa ating mga trabaho pero tila hindi pa todong naka-work mode. In short, may hangover pa ng holiday!
Alam natin na ang nakaraang holiday (Pasko at Bagong Taon) ay ang pinakamasayang bakasyon na nangyayari sa ating mga Pinoy. Ito yung panahon na nakakasama natin ng mas matagal at masaya ang ating pamilya, nakakapagligpit nang maayos sa bahay, at ang pinakamaganda ay nakakatulog tayo ng kumpleto sa oras.
Ngunit, ngayon ay kailangan na natin bumalik sa ating normal na buhay. Kaya naririto ang maaaring tumulong sa atin:
1. Take it slowly
Pwedeng bago ka matulog, i-mental note mo na kung ano ang maaari mong gawin first day of the work week. Gusto mo bang i-map out ang iyong mga plans for the week? Ano ang pinakamadali na pwede mong unahing gawin? Mas maigi na ‘wag i-rush ang sarili pabalik sa trabaho.
2. Try to reorganize
Alam kong nag-ayos ka na ng desk mo bago magbagong taon, pero baka gusto mong ulitin ang pag-organize ng iyong work area, or your bag. Doing this would mean doing yourself a favor to re-assess at ayusin ang sarili mo habang hindi pa masyadong busy.
3. Rebuild your self-confidence
Nabasa ninyo naman yung mga nakaraang articles ko about tips para magkaroon ng improvement sa inyong sarili. Heto ulit ang chance na ipro-project mo ang sarili mo na kaya mo ang mga ginagawa mo – trabaho, challenges sa love life, or your “alindog goals”.
Isuot na ang pangmalakasang outfit sa opisina, bumili ng bagong make-up (para sa mga ladies dyan) at mag-make-over sa sarili at project sa office, magbasa ng mga self-help books para magkaroon ng improvement sa work. Maraming ways pa to improve yourself, ikanga.
4. Mag-build ulit ng work habit
Kung dati wala kang limit sa trabaho (hindi ka nagte-take ng coffee break, or lagi kang late pumasok) hetong week na ito natin sisimulan muli ang ating new work habit. Malay mo, mas makakatulong pala na matuto tayo at mas ma-improve ang ating work condition.
Gaya ko ngayon, I am taking slowly again sa ating normal mode, and so far, I am doing well.
Kaya nga naman, sana kayo rin! Para next week, you are ready to survive to reach another 365 days ng ating buhay. Sa susunod na Thursday ulit!
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]