Tulay sa Mindanao na kabubukas pa lang, nagkabitak-bitak

BINATIKOS ng publiko ang mga opisyal na nasa likod ng pagtatayo ng Panguil Bay Bridge sa Northern Mindanao na nagkabako-bako dalawang buwan mula nang buksan ito.

Ang tulay, na sinasabing longest bridge sa Mindanao, ay nag-uugnay sa Tangub, Misamis Occidental, at Tubod, Lanao del Norte.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Lunes, tanging aspalto lang ang nasira at hindi apektado ang integridad ng istraktura.

Agad namang pinasadahan ng bagong aspalto ang mga butas, ani DPWH Unified Project Management Office-Roads Management Cluster 2 Project Director Teresita Bauzon.

Matatandaan na binuksan amg tulay nito lamang September 27.

Kahit pa naremedyuhan ang mga sira, hindi pa rin napigilan ng publiko na mag-react.

“Palagyan ng glue sa mga crocs na makakapal ang mukha.”

“Hirap kasi ginamitan lng Elmers glue ang asphalt hahahahah.”

xKung hindi pa mag trending, hindi pa gagawin…systemang bulok!”

“Malakas sumira ng aspalto ulan dapat makapal ang bulsa…”

“Anyare? malamang may lumaki ang mata at bumigat ang bulsa.”

“Manipis pa sa bond paper yung aspalto parang naglagay lang sila ng foundation sa makeup.”