Salvage victim nabingwit sa ilog

NADISKUBRE ang katawan ng hinihinalang biktima ng summary execution sa ilog sa Tuburan, Cebu noong Miyerkules.

Naispatan ng mga residente ng Sitio Kaduldulan sa Brgy. Mangga ang isang garbage bag na inaagos sa ilog kaya agad itong ipinagbigay-alam sa otoridad alas-5 ng hapon.

Nang buksan ang supot ay tumambad sa mga pulis ang naaagnas bangkay ng lalaki na nakabalot ng kumot.

Nakabalot din ng plastic bag ang ulo nito. Inilarawan ang biktima na may mga tattoo sa dibdib at nakasuot ng itim na sweatshirt.

Hindi matiyak ng pulisya ang ikinamatay ng biktima kaya ipapa-autopsy ang katawan. Blangko rin ang mga ito sa pagkakakilanlan sa biktima at motibo sa pagpatay.