Kelot nabulunan sa buhay na isda, patay

NASAWI ang isang mangingisda na taga-Cebu makaraang bumara sa kanyang lalamunan ang buhay na isda sa Olango Island.

Ayon sa ulat, kinagat ng lalaki ang ulo ng isda na nalambat niya pero dahil pumipiglas ay dumulas ang buong katawan nito sa kanyang lalamunan.

Bunsod nito ay nahirapang huminga ang biktima hanggang sa tuluyang namatay. Inaalam pa ng mga otoridad kung gaano kalaki at ang uri ng isda na kinagat ng mangingisda.