HINAGUPIT ng bagyong Jolina ang Eastern Samar Lunes dahilan kung kayat nagkaroon ng malawak na power outage sa maraming lugar.
Marami ring daan ang nagsara dahil sa pagbaha at road obstructions matapos mag-landfall ang bagyo sa bayan ng Hernani alas-10 ng gabi nitong Lunes.
Ang ikalawang landfall ay naitala rin sa bayan ng Daram at Sto. Nino sa Samar Martes ng madaling araw, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa panayam sa radyo, sinabi ni Eastern Samar Governor Ben Evardone, kagabi pa umano walang kuryente sa buong probinsiya.