DA WHO: Cong feeling millennial sa bagong GF

KUNG dati ay patago ngayon ay lantaran na ang pagbabandera ng isang bigotilyong mambabatas sa kanyang batang girlfriend.

Hanggang sa mall ay bitbit ni Cong ang kanyang bagong Chiching na ibinahay niya sa isang bagong condo sa Mandaluyong City.

Halos apo na ni Cong ang kanyang girlfriend kaya naman parang nagmumurang-kamatis ngayon ang mambabatas.

Noong nakaraang buwan ay dinala ni Cong ang bago niyang lovey dove sa Baguio City.

Nakasuot ng couple shirts ang dalawa na daig pa ang mga millenials na parang first time lang nagkaroon ng karelasyon.

Marami ang nakakita sa kanila kaya very proud ang feeling-bata na mambabatas.

Matagal nang hiwalay sa kanyang misis si Cong dahil sa labis na pambababae nito.

Kilala si Cong dahil sa kanyang magandang bigote na ayon sa kanya ay ito raw ang sikreto niya para makakuha ng mga mamahalin sa kanyang buhay.

Isang bagay lang ang tiyak, ang ginagastos ni Cong ay galing sa kanyang extra curricular activities lalo’t kilala ito sa husay na gumawa ng pera sa ilang legislative measures.

Ang mambabatas na proud sa kanyang bagong lovelife ay si Cong. F…as in Friendly.