Bokalista binoga sa ulo, dedbol

PATAY ang singer ng isang reggae band na binaril sa music festival sa Salay, Misamis Oriental noong Sabado.

Ayon sa ulat, katatapos lang magtanghal ng bandang Binhi sa Lasang sa 420 Reggae Festival nang paputukan ang singer na si Ras Orly.

Nadala pa sa ospital si Orly subalit hindi na naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay. Nagtamo siya ng tama ng bala sa ulo.

Narekober sa crime scene ang basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan sa suspek pero naniniwala ang pulisya na personal grudge o love triangle ang motibo sa krimen.

Lumitaw sa imbestigasyon na may natatanggap nang banta sa buhay ang biktima bago naganap ang pagpatay.