3 magkakapatid na paslit todas sa salpukan ng tricycle, motor

PATAY ang tatlong magkakapatid, may edad dalawa, anim at sampu, nang mabangga ang sinasakyan nilang tricycle ng motorsiklo na minamaneho ng lasing sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, agad naitakbo sa pagamutan ang pamilya pero hindi na naisalba ng mga doktor ang tatlong bata. 

Kritikal ang kondisyon ng kanilang ama, 45, habang nakaligtas naman ang ina at isa pang kapatid.

Napag-alaman na pauwi na ang pamilya mula sa Cabanatuan City, kung saan dumalo sila sa padasal para sa namayapang kaanak, nang maganap ang aksidente sa Cabanatuan-Fort Magsaysay Road sa Brgy. Mapalad.

Sugatan din ang driver ng motorsiklo na si Jovan Tumbaga, na umaming nakainom siya bago ang insidente.

“Sana po mapatawad nila ako sa nangyari. Hindi ko naman din po kagustuhan, sana po ay magkaayos po kami nang mabuti,” ayon sa suspek makaraang madakip.

Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and serious physical injuries.