Zubiri nasibak sa pagdepensa kay Bato dahil sa ‘PDEA Leaks’

GULAT na gulat si dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa nangyaring pagsipa sa kanya sa posisyon nitong Lune.

Anya, kung nitong Lunes ay “heartbroken” siya sa pagkaktanggal niya sa pwesto, ngayong naman ay takang-taka siya kung bakit ang senador na kanyan umanong dinipensahan ay isa pala sa 15 na kasamahan na bumoto para siya mapatalsik.

“Alam mo, I thought I’ve seen strange things in my political career, and this happens to be the strangest,” pahayag ni Zubiri sa sa mga reporters.

“Kung kahapon ako po ay heartbroken; ngayon po ako dumbfounded. Talagang hindi ko ma-gets, hindi ko talaga maisip, hindi ko talaga ma-grasp ‘yung pangyayari na ‘yun,” anya.

“At least alam niya na denepensahan ko siya bilang isang chairman ng committee, at dahil dyan, nagkaroon po ng sakripisyo. Ako po ay sakripisyo dyan. Nawala po ako sa position,” dagdag pa nito na ang pinatutungkulan ay si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Read more here:

Si dela Rosa ang chair ng Senate committee on dangerous drugs na dumidinig sa kontrobersyal na “PDEA leaks” na siyang nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at iba pang kilalang personalidad sa paggamit ng ilegal na droga.

“Medyo masakit, masakit,” sabi pa ni Zubiri ang ginawa ni dela Rosa na kanya umanong ikinampanya sa halalan.

Nang tanungin kung siya ba’y nakaramdam ng pagtataksil, sagot nito: “Let the people decide.”