Yang ilalagay sa Immigration watchlist

IPINAG-UTOS ng Senate Blue Ribbon Committee sa Department of Justice na isama si former presidential economic adviser Michael Yang sa Bureau of Immigration watchlist sakaling magtangka itong na umalis ng bansa sa gitna ng imbestigasyon ng komite.


“We would like to request the Mr. Michael Yang aka Yang Hong Ming, former Presidential Economic Adviser, be placed on the Bureau of Immigration Hold Departure Order, Watchlist or Lookout Bulletin, whichever is appropriate,” ani committee chairman Richard Gordon.


Sinabi naman ng DOJ na nakahanda itong mag-issue ng lookout order laban kay Yang at pito pang indibidwal na umano’y sangkot sa kontrobersya.


Nitong Lunes ay hindi sumipot si Yang sa pagdinig sa Senado dahil umano sa “medical reasons.”


Sumasailalim si Yang sa imbestigasyon kaugnay sa kuwestyunableng transaksyon sa Pharmally Pharmaceutical Corp kasama ang Department of Budget and Management’s Procurement Service. –A. Mae Rodriguez