TULUYAN na nang na-impeached ng Kamara si Vice President Sara Duterte matapos makakalap ng 153 lagda para suportahan ang ika-apat na impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo, ayon kay House Secretary General Reginald Velasco.
Ayon sa sources, umakyat na rin sa may 200 lagda ang impeachment complaint pasado alas-2 n hapon.
Ayon kay Velasco, ang 153 signature ay higit pa sa nire-require na 102 lagda o oe-third ng membership ng Kamara, para maging otomatikong maipasa sa Senado para sa trial.
Ngayon hapon isasapormal sa plenaryo ang pag-impeach sa pangalawang pangulo.