NAKABALIK na rin sa bansa si Vice President Sara Duterte, ilang oras matapos ang ginawang pag-aresto sa kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Dumating si Sara kasama ang mga anak mula sa “personal trip” alas 3:21 ng hapon.
Hindi naman nagbigay ng ibang detalye ang tanggapan ng Vice President.
“The Vice President is accompanied by her children and will address any relevant matters at the appropriate time,” ayon sa OVP.
Hindi naman agad nasabi kung magpupunta agad ito sa kanyang ama.