INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na magsisimula na muli ang regular na voter registration sa Disyembre 12, 2022 at tatagal ito hanggang Enero 31, 2023.
Sinabi ni Comelec Education and Information Department (EID)acting director at spokesman Rex Laudiangco na maaaring magparehistro mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.
Ito’y bilang paghahanda sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023.
Matatandaan na una nang isinabatas ang Republic Act No. 11935 kung saan ipinagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan election sa huling Lunes ng Oktubre 2023 mula sa orihinal na Disyembre 5, 2022.
Ayon pa kay Laudiangco, isasagawa naman ang ‘register anywhere project’ or RAP tuwing Sabado at Linggo simula Disyembre 17, 2022 hanggang Enero 22, 2023.