PATULOY ang panawagan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na kailangan nito ng mga volunteers para mag-empake ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga pamilyang apektado ng Severe Tropical Storm Paeng na ikinasawi ng marami.
Ayon sa DSWD, nasa 100 pa lang ang kanilang volunteers nitong Linggo na tumutulong sa kanilang mag-repack ng mga relief goods na nasa kanilang warehouse sa Pasay City.
Karamihan sa mga volunteers ay mula sa Bureau of Jail Management and Penology, barangay volunteers, Philippine Air Force, at ilang private citizens.
Sa rekord ng DSWD, umabot na sa 294,938 pamilya o may kabuuang 1.2 milyong inidbidwal ang apektado ng bagyo. Karamihan sa kanila ay nasa evacuation centers.
Para sa mga interesadong mag-volunteer, maaaring tawagan si Mr. Clifford sa 0956-9226155 o si Ms. Nica sa 0915-2921875.
Maaari namang magtuloy na sa warehouse sa Chapel Road, Barangay 195, Pasay City. Gagawin ang repacking hanggang Nobyembre 11.