Villar: Gulay sagot sa food crisis

NANINIWALA si Senador Cynthia Villar na hindi magugutom ang Pilipinas sa sandaling dumating na ang kinatatakutang krisis sa pagkain.

Ayon kay Villar makaka-survive ang mga Pilipino kung kakain ng mga gulay kasabay ng muli niyang pagsusulong ng vegetable gardening.

Villar is the chair of the Senate committee on agriculture, food, and agrarian reform.

“Actually kailangan lang ano tayo hardworking kasi katulad ng vegetable, in my experience, sa aking farm school ang nagdadala talaga ng farm school ko in terms of ng income, vegetable,” ayon kay Villar na siya ring chair ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform.

“Yun ang maganda sa vegetable, kapag marami tayong vegetable kahit wala na tayong ibang kakainin pwede na ring puro vegetable, healthy pa ‘di ba?” dagdag pa niya.

Nagtataka rin anya siya kung bakit sa bigas nakatutok ang pamahalaan at hindi sa gulay, gayung hindi naman kasing “competitive” ng Vietnam at iba pang bansa ang rice production sa Pilipinas bukod pa sa mas mahal dito.

“Maybe we should emphasize also vegetable para makatulong,” giit pa ni Villar.