KINUMPIRMA ni Atty. Vic Rodriguez na “ganap na siyang umalis” sa administrasyon ni Pangulong Bongbong” Marcos matapos magbitiw bilang Executive Secretary noong nakaraang buwan.
Aniya, nais niyang makasama ang kanyang pamilya.
Sinabi niya na kinausap niya ang Pangulo ukol sa kanyang desisyon.
“I confirm that I have completely exited the administration of President Bongbong Marcos, after having spoken to him at length about my wish to spend most of my time with my family…a very personal decision that was happily made,” ayon kay Rodriguez sa isang Facebook post.
Ikinatwiran ni Rodriguez na “absolutely privileged” ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Pangulo kaya’t tahimik lang siya noong nagbitiw.
“I have been ridiculed, maligned and subjected to baseless and unfair commentaries on all conceivable platforms, but I take solace in the legal aphorism, ‘Men in public life may suffer under a hostile or unjust accusation; the wound can be assuaged with the balm of a clear conscience’,” ani Rodriguez.
Aniya, isang karangalan ang makapaglingkod sa bansa at ipagpapatuloy niya ito bilang isang pribadong indibidwal.