Aspiring teacher nagdasal sa naghihimalang bundok, natagpuang patay

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang ginang makaraan itong umakyat sa Mt. Manghilao sa Danao City, Cebu para ipagdasal ang nakatakda niyang pagkuha ng Licensure Examination for Professional Teachers (LET) nitong Linggo.

Narekober ng mga otoridad ang katawan ni
Ma. Sofia Olaguir, 47, sa ibabang bahagi ni bundok. Nagtamo ito ng mga sugat sa mukha at nawawala na ang cellphone.

Isinailalim sa autopsy ang katawan ng ginang upang madetermina kung ano ang ikinamatay nito.

Ayon sa ulat, umalis ng bahay sa Sitio Mangitngit, Brgy. Sandayong Norte, Danao City si Olaguir, para mag-alay ng dasal at magtirik ng kandila sa nagmimilagro umanong holy cross sa tuktok ng bundok.

Nag-alala ang mga kapamilya nito nang hindi ito umuwi hanggang kinabukasan kaya humingi sila ng tulong sa mga otoridad.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga miyembro ng Danao City Disaster Risk Reduction and Management Office.