UMABOT na sa P12.76 trilyon ang utang ng bansa ngayong katapusan ng Abril, ayon sa datos mula sa Bureau of the Treasury.
Mas mataas ito kumpara sa P12.68 trilyong utang na naitala noong Marso.
Base sa mga datos, aabot sa 16.1 porsiyento ang itinataas ng utang ng Pilipinas kada taon.
Sinabi ng Treasury na 70 porsiyento ng utang ng bansa ay mula sa lokal na pagkakautang, samantalang 30 porsiyento naman ay inutang sa labas ng bansa.
Iginiit naman ng Palasyo na prayoridad ng pamahalaan na mapaliit ang pagkakautang ng Pilipinas.
“The Duterte Administration’s Economic Team has proposed a fiscal consolidation and resource mobilization plan, containing fair, efficient, and corrective tax measures. These include the expansion of value-added tax base by removing ineffective VAT exemptions except for some sectors, among others, to generate revenues,” sabi acting presidential spokesperson Martin Andanar.
Idinagdag ni Andanar na nasa desisyon na ng susunod na administrasyon kung aaprubahan ang rekomendasyon ng economic team ni Duterte.