KINASTIGO ng Commission on Audit (COA) ang University of the Philippines System (UPS), at ilan pang mga State Universities and Colleges (SUCs) sa annual audit para sa 2020.
Ayon sa naturang report, inirekomenda ng COA ang pagpataw ng danyos sa mga naturang paaralan dahil sa hindi pagsusumite ng liquidation reports para sa higit P600-M na pondo sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program o DAP.
Matatandaang ang kontrobersyal na DAP na isinulong sa ilalim ng administrasyon ng yumaong Noynoy Aquino ay idineklarang ‘unconstitutional’.
Ayon sa audit ng COA ay may balanse pang P462,351,071 ang UPS.
Dagdag pang COA, ilang taon na din hinihihingi ng CHED ang naturang liquidation reports mula sa UPS at ilan pang mga SUCs.